View My Stats

Friday, October 17, 2008

Ang Sex Kasama si Paolo

Ang sex kasama si Paolo ay parang isang gabing nadapa ako, naligaw, nawala, umabot ng tatlong taon ang paghahanap sa bahay, at sa pagwawakas nito ay nakauwi ako.

Ang sex kasama si Paolo ay parang tatlong taong pagkain ng fastfood araw-araw at isang araw sa pag-uwi ko ay may mainit na tinolang manok na lutong bahay.

Ang sex kasama si Paolo ay ang paglalakad sa gabi na may bagyo at pag-uwi ko ay may mainit na sinigang sa mesa.

Ang sex kasama si Paolo ay parang paggising ko sa 18th birthday ko na alam kong wala akong party pero dadating ang mga kaibigan ko na nag-request pala ng party kasama ang staff ng Wish ko Lang.

Ang sex kasama si Paolo ay parang pagkatapos kong sumubok mag-bake pero nasunog ang cake. Pero dumating ang tatay ko na may dalang blueberry cheesecake.

Ang sex kasama si Paolo ay parang pagkatapos kong manood ng A Walk in the Clouds at pagkalabas ko ng bahay ay nandoon si Keanu Reeves at inaya akong apakan ang mga ubas. O parang pagkatapos kong umiyak si pelikulang City of Angels, binigyan ako ng tsansang baguhin ang istorya; o kaya para ding pagkatapos kong manood ng Somewhere in Time, sinabihan akong sa part two ay wala na ang coin sa bulsa ng lalaki. Para rin itong pagkatapos kong manood ng Sweet November, at nakatanggap ako ng balitang magagamot na ng pagmamahal ang kahit na sinong terminally ill.

Ang sex kasama si Paolo ay parang kapag naririnig ko ang kantang "Panalangin" ng Apo para akong dinuduyan ng malamig na boses sa hangin.

Ang sex kasama si Paolo ay parang kapag bente na lang ang pera mong panghapunan at nagpagkasya ko sa dalang pera ang isaw, rice at Coke.

Ang sex kasama si Paolo ay parang kapag nadiskubre kong ako pa lang ang nakakakita ng pink na itlog ng lalaki. Ang sex kasama si Paolo ay parang pagtanggap ng diploma pagkatapos bumagsak ng limang beses sa College Algebra.

Ang sex kasama si Paolo ay ang makita ang sarili kong nagluluwal ng apat na maliliit na Paolo.

Ang sex kasama si Paolo ay ang pagputi ng buhok at siya pa ring ang kasama ko.

Ang sex kasama si Paolo ay ang pag-upo sa tumba-tumba at kahit matanda na ay nakahilig pa rin ako sa braso niya. (Ni Sabel Prado)
**********************************************************************************88
Sayet, wala akong Paolo.

No comments: